“Ang hindi magmahal
sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning
kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Ito’y isang bantog na kasabihan ni
Rizal na hindi lang ang kasalukuyang henerasyon ang kanyang nilalayon dahil
sinama na rin yung mga bata, mga matatanda, lolo at lola, at lahat na taong
nabuhay sa bansang Pilipinas kasi dapat tayong mga Pilipino yung magmahal sa
ating wikang diwa. Pagsinabi nating wikang Filipino, ang unang masasaisip natin
ay yung bansang Pilipinas kasi tanyag sa atin ang wikang ito. Ang wikang
Filipinong ito ay inaasahang wikang magbubuklod tungo sa pagkakaisa ng mga
Pilipino na mauunawaan at kayang salitain ng lahat ng tao sa Pilipinas saanmang
kapuloan. Pero malungkot isipin na parang walang nagbibigay kahalagahan sa wika
natin na nagbibigay diwa sa bawat Pilipino. Ganyan lang ba talaga ka mababaw ang
ating pagmamahal sa sariling wika? Sa sariling bansang Pilipinas na lupang
sinilangan?
Ang wikang ito ang nagsisimbolo sa pagiging maka-Pilipino ng isang Pinoy, na ipinapakita niya na kaya niyang magsalita sa wikang Filipino at ipinagmamalaki niya ito. Gayuman, para wala nang nabigigay importansiya sa wikang ito, marami sa mga kabataan ngayon na mas iniibig pa yung mga ibang wika kahit hindi man lang ito maiintindihan o nagsasalita sa wikang ito dahil sa tingin nila na magiging matalino sila. Hindi man nila naisip na mahalaga din yung wikang Filipino sa pag-aaral kahit nasa unibersidad kana. Sa integrasyon ng ASEAN, makikita natin nga bawat ASEAN Region ay may sentro kung saan sila ay kailangang mag-aral ang mga estudyante ng kanilang mga sariling wika. Katulad na kung may mag-iibang bansa, kasi bago nila matutunan yung wika nila dapay itinuturo muna yung wika mo upang may tawid-kultural na pagkatuto. Pero ang problema lang naman nito, ay yung katapatan nating tinatawag kasi base sa nakikita natin sa ating paligid marami ng mga taga-ibang bansag dumadalaw sa atin kaya’t magkakahalo na yung mga kultura nating sinasabi. Mapa sa skwela man ito, marami ding mga taga-ibang bansa na dito nag-aaral sa ating akedemya kasi mas madali daw makakuha ng diploma. Kung may katapatan sana sa ating puso, alam ko na maraming mababago sa buong Pilipinas at una na dito ay yung ibabalik na ang pagkakakilanlan ng bawat Pilipino.
Ang pagkakakinlanlan ng isang Pilipino ay nawala na sa bansa, may halo na ng ibang lahi pero kahit ganyan ang sitwasyon nasa dugo parin natin ang pagiging tunay na Pinoy. Ang Pinoy na tipong mapagmahal, magalang, masipag, maginoo, tanyag sa iba't ibang larangan ng sining, musika, o iba pa, at lahat na. Wala naming masama kung alam mo magsalita sa ibang wika, pero ang ipinahihiwatig ko lang na dapat mahalin mo muna yung sariling wika. Ikaw na mismong magpagsiya kung ano ang gagawin mo upang ibalik ang iyong diwa sa wika. Kasi baka ang mayroong wika ay magiging nagkaroong wika nalang dahil hindi natin binigyang pansin ang nag-iisang wika natin. Isulong ang wika ng Pinas, para sa lipunan upang sila na yung magbabayad utang sa lahat na binigay ng inang bansa sa kanila.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento